Latest News

BABALA LABAN SA PEKENG PARACETAMOL, INILABAS NG FDA

By: Baby Cuevas

NAGLABAS ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) para pag-ingatin ang publiko laban sa pekeng ‘Biogesic paracetamol.’

Ayon sa pinakahuling public health warning na inisyu noong Hulyo 4, 2024, napag-alaman na ibinebenta umano sa merkado ang pekeng bersiyon ng popular na paracetamol brand na Biogesic.

“All healthcare professionals and the general public are hereby warned as to the availability of this counterfeit drug product in the market which pose potential danger or injury to consumers,” ayon sa FDA.


Inihayag naman ng Unilab na sa unang tringin ay mapapagkamalang pareho ang peke at tunay nguni’t ang lot number ng pekeng gamot ay hindi pareho ang print sa orihinal na Biogesic .

Dahil diyan ay hinikayat ng FDA ang mga consumer na bumili lamang ng gamot sa mga establisimiyentong lisensiyado ng FDA.


Nagbabala din ang FDA sa mga establisimiyento na mapapatunayang nagbebenta ng pekeng gamot na mahaharap ang mga ito sa kaparusahan.

Inatasan ng FDA ang mga Law Enforcement Agencies na tiyaking walang nagbebenta ng pekeng gamot sa kanilang hurisdiksiyon.


Ang anumang impormasyon ukol dito ay maaring itawag sa FDA Center for Drug Regulation and Research sa (02) 8809-5596 o via email para isumbong sa @fda.gov.ph.

Tags: Food and Drug Administration (FDA)

You May Also Like