Latest News

Babala laban sa Korean products

NAGBABALA sa publiko ang Food and Drug Administration(FDA) laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong Korean food products.

Ayon sa FDA, hindi nakakasiguro ang publiko sa kalidad at kaligtasan ng mga nasabing produkto dahil hindi ito dumaan sa evaluation process.

Kabilang na sa ibinabalang produkto ang CJ Pulito Carrot+Apple na nakalagay sa Light Brown packaging na may imaje ng Carrots at Apple, 130 mL; CROWN ina nasa White and Brown packaging na may imahe ng chocolate ;Since 1972 Honey & Apple ina nasa Fuchsia Pink packaging na may imahe ng with Honey.

Gayundin,ang TIME Vegetable Dip Snack ina nasa kulay Green packaging na maynimahe ng kamatis 70 g; HAITAI Calbee Especial Edicion Dulce de Leche na nasa kulay Blue packaging at may graphics ng Potato at Honey, 60 g;HAITAI Low Sugar nasa puti at asul na Carton Box na may imahe ng Crackers, 58 g; OTTOGI Whole Black Pepper ;YJ FOOD Corn Fried, 45 g; Cream and Green-colored Pouch with image of Meat cut at CW Sesame Stick Biscuit, 85 g.

Inatasan ng FDA ang mga tauhan nito na alisin ang mga makikitang nasabing produkto na sa merkado. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read