Latest News

Babala, inilabas laban sa 4 na pediatric medicine sa India

Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa apat na “pediatric medicine” na gawa sa India, dahil nagtataglay umano ito ng mapanganib na substansiya na maaring maging dahilan ng kamatayan.

Sa inilabas na advisory ng FDA nitong Oktubre 21 ,kabilang umano sa mga “substandard” na gamot ang Promethazine Oral Solution BP, Kofexmalin Baby Cough Syrup, MaKOFF Baby Cough Syrup, at MaGrip n Cold Syrup na pawang gawa ng isang New Delhi-based firm na Maiden Pharmaceuticals Ltd.

Nabatid na ikinukunsidera ng FDA na hindi ligtas ang lahat ng batches ng mga nabanggit na gamot.


Napag-alaman na una nang nag-isyu ng advisory ang World Health Organization (WHO) matapos na ma-detect ang kontaminadong produkto sa African region noong Setyembre.

Nagtataglay umano ang mga ito ng diethylene glycol at ethylene glycol na nakalalason kapag nainom at maari umanong makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pananakit ng tiyan,pagtatae,pananakit ng ulo ,mahirap na pag-ihi, altered mental state at acute kidney injury na maaring magresulta sa kamatayan.


“It is important to detect and remove these products from circulation to prevent harm to patients,” ayon sa FDA.

Inatasan ng FDA ang local government units na gumawa ng kaukulang aksyon kaugnay sa naturang mga gamot.


Nabatid na sinuspinde ng Indonesia ang ang pagbebenta ng syrup at liquid medicine matapos na mamatay ang may 100 bata at ang pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na spike o pagtaas ng acute kidney injuries.

Ayon sa Health Ministry ng India, mananatili ang ban hanggang hindi nakukumpleto ang imbestigasyon sa hindi nakarehistrong medical syrups na nagtataglay ng nakalalasong ingredients. (Arsenio Tan)

Tags: Food and Drug Administration (FDA)

You May Also Like

Most Read