Latest News

Si Nguyen matapos pagbihisin at i-contain sa isang lugar sa NAIA 3.

BABAENG VIETNAMESE, UMIKOT NANG HUBO’T-HUBAD SA NAIA 3

By: Jerry S. Tan

Gumawa ng kakaibang eksena ang isang babaeng pasahero sa NAIA Terminal 3 nang bigla itong maghubo’t-hubad sabay libot sa nasabing paliparan.

Napag-alaman na alas-7:25 p.m. noong June 8, 2024 nang maganap ang insidente.

Ang pasahero, na kinilalang si Vietnamese national Thuytrang Nguyen, ay patungo sa Ho Chi Minh nang bigla itong naging balisa habang nasa Departure Island E check-in counter.

Napag-alaman na si Nguyen ay nakatakdang umalis 10:55 p.m. lulan ng Cebu Pacific flight 5J-571 nang mga oras na iyon.

Sa ulat, papunta umano ng comfort room si Airport Police Officer (APO) 1 Wildon Jerick Quiber nang isang lalaking protocol staff ang magtanong ukol sa babaeng nakahubad na paikot-ikot sa departure area.

Samantala, inatasan ni Inspector Ronilo Ramilla ng Airport Police Department (APD) sina APO1s Arvin Malabanan at Michael Ronald de Guzman na kumuha pa ng detalye ukol sa insidente.

Mabilis na kumilos ang APD, gayundin ang personnel at ground staff ng Cebu Pacific (CEB) at protocol staff na naroon upang kaagad na masukol ang babaeng Vietnamese at pagbihisin ito para sa kanyang nakatakdang flight.

Napag-alaman na bago niyan, si Nguyen ay ini-offload o di pinayagang makaalis ng immigration officer dahil ito umano ay ‘psychologically incapacitated.’

Diumano bigla itong naghubad nang pagsabihan na dapat siyang magbayad ng fees dahil sa pagiging ‘overstaying’ alien.

Nakita rin umano ng mga naroon na pasumpong-sumpong ang kabaitan nito.

Iniulat naman ni AVSEC Villono Leo na si Nguyen ay nakaalis din lulan ng CEB flight 5J-744 kinabukasan.

Pinayagan na din umano ng immigration na makaalis ito at siya ay nakaalis alas- 5 ng umaga noong Hunyo 9 lulan ng parehong airline na patungong Hanoi.

Tags:

You May Also Like

Most Read