Latest News

Inaalo ng PNP officer ang nagwalang Vietnamese national na inaresto sa NAIA.

Babaeng Vietnamese, inaresto ng BI sa NAIA dahil sa ‘unruly behavior’

By: Jerry S. Tan

Isang babaeng Vietnamese ang inaresto ng mga opisyal ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 dahil sa ‘unruly behavior’ o pagpapakita ng hindi tamang kilos habang nasa immigration counter patungong Hanoi, Vietnam.

Ang nasabing pasahero na kinilalang si Ban Thi Van, 19, ay nagdadabog umano habang isinasagawa ng immigration ang departure clearance para siya makasakay sa Cebu Pacific flight papunta sa kanyang destinasyon.

Gayunpaman, sa inspeksyon ay agresibo niyang inagaw ang kanyang pasaporte mula sa opisyal ng imigrasyon at gumawa ng eksena sa pamamagitan ng pagbagsak ng sarili sa sahig saka nagsimulang sumigaw.

Kaugnay nito humingi ng tulong ang mga immigration officer sa PNP- aviation security group para patahimikin ang babae, na kalaunan ay inaresto dahil sa hindi pagsunod sa protocols at hindi wastong mga kilos.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, isa ring Vietnamese na babae ang nagdulot ng kaguluhan sa NAIA terminal 3 matapos maglakad nang hubo’t-hubad patungo sa huling security checkpoint ng NAIA.

Tags:

You May Also Like

Most Read