ISANG babaeng vendor na nagtitinda rin umano ng shabu kasama ang 18-anyos nitong kasabwat diumano ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 12 sa Gate 5, Area A, Brgy., 20, Zone 2, Parola Compound, Tondo, Maynila.
Dinala sa MPD-PS 12 ang suspek na si Aiza Moya ng Gate 54, Area C, Brgy., 275, Zone 25, Binondo, Maynila ;at kasabwat nito na si Joshua Barbosa, 18, ng
Gate 13, Area B, Brgy., 20, Zone 2, Tondo, Maynila.
Nakumpiska nsa mga suspek ang may 1.5 gramo ng shabu na may street value na P10,800.
Iisang concerned citizen ang diumano ay tumawag sa MPD-PS12 kaugnay sa nagaganap na bentahan ng shabu dakong ala-1:35 ng madaling araw sa may Gate 5, Area A, Brgy., 20, Zone 2, Parola Compound, Tondo, Maynila.
Nag-positibo sa lugar ang dalawa at nang sitahin ay nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng shabu kaya’t kaagad silang inaresto.
Kasong. paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.














