BABAENG SENIOR CITIZEN, PATAY SA TRACTOR

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang babaeng senior citizen matapos magulungan ng nagmamaniobrang tractor head kahapon ng hapon sa westbound lane ng Raxabago corner Juan Luna Streets sa Tondo, Maynila.

Nakapatong pa sa katawan ng biktimang si Zenaida Bobier, 60 ng No. 593 Aeta Street, Pritil, Tondo, Maynila ang gulong ng tractor na minamaneho ni Jerry Llavore, nang dumating ang mga imbestigador ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS).


Sa imbestigasyon ng MDTEU-VTIS,n aganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Kumakanan umano ang suspek sa Juan Luna nang mahagip ng huling bahagi ng tractor ang tumatawid na biktima.

Pagbagsak ng biktima ay nagulungan pa umano ito ng tractor na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.


Samantala, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section MDTEU-VTIS)

You May Also Like