Arestado ang isang snatcher matapos na habulin at abutan ng isang babaeng sales executive na inagawan niya ng cellphone hatinggabi noong Biyernes sa Malate, Maynila.
Sa tulong ng ilang concerned citizens ay nadakip ang suspek na si Jonard de la Cruz,23, miyembro ng ‘Bahala na Gang’ at residente ng 1330 Int. 10 San Andres St, Brgy 738, Malate Maynila.
Ayon sa reklamo sa Manila Police District- Station 9 ng biktimang si Paula Jane Marcelo,29, ng No. 762 J Planas St, Int 20, Gagalangin Tondo ,naglalakad siya alas- 11:45 ng gabi sa San Andres Street malapit sa Tuazon Street, Malate nang sumulpot ang suspek at hinablot ang kanyang cellphone.
Hindi naman nawalan ng loob ang biktima at hinabol ang suspek habang sumisigaw at humihingi ng tulong, hanggang sa makorner ang suspek ng mga nagpapatrulyang pulis at nabawi ang kanyang cellphone
Itinurn-over nina Pat. Herald Brian Banday at Pat, Gary Ho ng Arellano Police Community Precinct ang suspek sa MPD-PS9.
Sinampahan naman ng kasong robbery-snatching sa Manila City Prosecutor’s Office ang suspek.