BABAENG PIPI, ARESTADO SA DROGA

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 14 ang isang babaeng pipi matapos na masangkot sa iligal na droga,kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Taft Avenue at TM Kalaw Street sa Ermita, Maynila.

Ang suspek na si Liza Chua,42 at residente ng Victoria de Manila 1655 Taft Ave. Malate, ay inaresto sa bisa ng arrest warrant inisyu ni Presiding Judge Rolando Santoyo,ng Manila RTC Br.179.

Nabatid na ang suspek ay inaresto alas- 2 ng hapon dahil sa kasong paglabas sa Section 11 (3) Article II of R.A. 9165 sa isinagawang Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at diumano ay nasa Top 12 Most Wanted Person sa station level.


Si Chua ay binasahan ng Miranda rights sa pamamagitan ng “sign language” para maintindihan niya.

Inirekomenda naman ng korte ang P200,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan at kasalukuyan siyang naka-detine sa MPD-PS 14. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District-Station 14

You May Also Like

Most Read