ISANG 61-anyos na babaeng negosyante ang sugatan matapos mahagip ng isang kuliglig habang tumatawid sa kalsada Sabado ng gabi sa Pier 2, North Harbor, Tondo Maynila.
Isinugod sa Mary Johnston hospital ang biktimang si Rosela Obane y Dela Peñ ng BS 36 B Capulong, Brgy 108, Tondo Maynila. Naganap ang insidente alas-8:20 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Batay sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU), binabagtas ni Enrique Villanueva y Tilo, 42, kuliglig driver, residente ng 035 Quezon Street, Brgy 116, Don Bosco, Tondo Maynila, ,ang eastward na direksiyon ng striping area sa Pier 2 nang mabangga ng kanyang minamanehong kuliglig ang tumatawid na biktima.
Bumagsak sa kalsada ang biktima at nagtamo ng mga sugat sa katawan kaya’t isinugod ito sa pagamutan.
Kinustodiya ng MDTEU ang kuliglig driver para sa kaukulang imbestigasyon.