Babaeng negosyante, hinatulan ng 1 taong kulong dahil sa tax evasion

HINATULAN ng Court of Tax Appeals na makulong ng hanggang isang taon ang isang babaeng negosyante makaraang matagpuang guilty umano sa kasong tax evasion.

Bukod dito, inatasan rin ng CTA Second Division ang akusadong si Julie Grace Magahis, may-ari ng KJET Enterprises sa Cubao, Quezon City, na bayaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng higit P16 milyon base sa “deficiency income” at “value-added taxes” para sa taong 2012.


Ayon Associate Justice Jean Marie A. Bacorro-Villena, ang ponente ng desisyon, binalewala umano ni Magahis ang “assessment and collection notices” na ipinadala sa kaniya ng BIR para sa kaniyang mga babayarang buwis.

Sa kanyang depensa, ikinatwiran ni Magahis na hindi umano niya alam na may mga utang siyang buwis na dapat bayaran dahil sa hindi siya napadalhan ng BIR ng anumang notices.

Ngunit ayon sa korte, alam ni Magahis ang kaniyang mga obligasyon sa buwis dahil nagpadala ang CTA ng “preliminary and final assessement notices” maging mga “formal letter of demand” na natanggap ng kaniyang ama sa kanilang bahay sa Dona Faustina Village, Novaliches, QC.


Hindi umano kapani-paniwala ang kawalan ng malay ni Magahis sa kanilang mga obligasyon dahil sa naglabas pa ang BIR ng “seizure warrants” sa kaniyang mga deposito sa 10 bangko. (Carl Angelo)


Tags: Court of Tax Appeals

You May Also Like