BABAENG NAKUNAN DAHIL SA BUGBOG NG ASAWANG PULIS, DUMULOG SA NAPOLCOM

Naglunsad ang Pambansang Komisyon ng Pulisya o National Police Commission (NAPOLCOM) ng imbestigasyon laban sa isang opisyal ng pulisya matapos maghain ng reklamo ang kanyang dating live-in partner dahil sa matinding pisikal na pang-aabuso na naging dahilan umano ng kanyang pagkalaglag ng sanggol (miscarriage) noong Enero 2021.

Kinilala ang pulis na si Police Corporal Rogen Cain, na nakatalaga sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGRP).


Sa press briefing sa tanggapan ng NAPOLCOM, isinalaysay ng biktima na paulit-ulit siyang sinaktan, tinadyakan sa tiyan habang buntis at tinakot sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril sa gitna ng kanilang mga pagtatalo.

Itinanggi naman ni Cain ang mga paratang na ito. Ayon sa kanya, gawa-gawa lamang ang kuwento at iginiit na naibasura na ang mga naunang kasong kriminal na isinampa laban sa kaniya.

Samantala, tiniyak ng NAPOLCOM na dadaan sa masusing proseso ang imbestigasyon at makikipag-ugnayan sila sa PNP Internal Affairs Service (IAS) upang matugunan ang reklamo.


Ang mga ganitong uri ng reklamo ay maaaring magresulta sa mabibigat na parusang administratibo tulad ng suspensiyon, demosyon, o tuluyang pagkasibak sa serbisyo (dismissal) dahil sa malubhang maling pag-uugali (grave misconduct).


Tags: National Police Commission (NAPOLCOM)

You May Also Like

Most Read