Latest News

BABAENG NAGBEBENTA NG SEX ONLINE GAMIT ANG MGA BATA, ARESTADO SA NBI

By: JANTZEN ALVIN

Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO ) ang isang babae na sangkot diumano sa ‘online sexual abuse’ ng mga menor de edad, sa isinagawang operasyon kamakailan sa Lapu -Lapu City sa Cebu.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, tatlong menor de edad ang nasagip rin ng mga ahente ng NBI sa isinagawang operasyon noong Nobyembre 27, 2024.


Napag-alaman kay Santiago na nag-ugat ang operasyon matapos na i-refer ng US Homeland Security Investigations (HSI) Office ang nagaganap na child exploitation activities ng suspek.

Nagawa umano ng mga ahente ng NBI-CEVRO na makalahok sa zoom meeting para makita ang nangyari na interaction sa pamamagitan ng Skype ng Homeland undercover agent at ng suspek na gumamit ng Skype name.


Nakumpirma na ang suspek ay sangkot sa distribution ng Children Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM).

Kaagad na nag apply ang NBI-CEVRO at US Homeland Security Investigations officers at mga personnel mula sa non-governmental organization (NGO), ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) laban sa suspek.


Pinuntahan ng mga operatiba ang address ng suspek sa Lapu-Lapu City na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek at pagkkasagip sa tatlong menor de edad.

Nakumpiska rin ng NBI ang tatlong cellphone na naglalaman ng CSAEM at sex toys.

Samantala, ang suspek ay sinampahan ng mga kasong paglabag sa Section 4 (c) (r) (f) of R.A. No. 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation Materials Act); Section 4 of R.A. No. 9208, as amended by Section 4 par. (k) (2) of R.A. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012); at Section 9 of R.A. No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Tags: NBI Director Jaime Santiago

You May Also Like

Most Read