Babaeng miyembro ng ‘Pantoja Gang’; arestado

Arestado ang isang babaeng.miyembro ng notoryus na” Pantoja Crime at drug group” sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District-Police Station 14, kamakalawa ng gabi sa may Castillejos St.Quiapo,Maynila.

Kinilala ni PMajor Gil John Lobaton,commander ng MPD PS-14, ang suspek na si Cristina Cubacub, alyas Matet,nasa hustong edad at miyembro ng Pantoja Crime and Drug Group.


Kasamang naaresto ni Cubacub si Stephen Sia.

Naaresto ang suspek alas- 6:40 ng gabi sa nabanggit na lugar at nakumpiska sa kanya ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800 at P500 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and Section 11 Article II of RA 9165 kilala bilang Dangerois Drug Act of 2002 at paglabag naman sa Section 11 Article ll ng RA 9165 si Sia sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-Police Station 14

You May Also Like