Latest News

Babaeng medic volunteer, patay; 8-anyos pamangkin, sugatan sa pagsemplang ng motorsiklo

PATAY ang babaeng rider na medic volunteer habang sugatan naman ang kanyang 8-anyos na pamangkin matapos na sumemplang sa minamanehong motorsiklo,kahapon ng madaling araw sa Delpan Fly-over sa Delpan,Tondo,Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Ellain Ramos, 29 , at taga 1535 Mel Alcalde Herbosa Street, Tondo, habang sugatan naman ang pamangkin nito na si Mary Quennie Ramos , 8-anyos at Grade 1 student.

Ayon sa inisyal na ulat na natanggap ng Manila Police District-Police Station 12, naganap ang insidente alas-2 ng madaling araw sa may southbound lane ng Delpan fly-over.


Sa imbestigasyon naman ng MPD-Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), minamaneho umano ng biktima ang kanyang Honda ADV150 na may plate number 305-NPI at ka-convoy ang kanyang nobyo na si.Jose Adrian Roja .

Nang sumapit sa papataas na bahagi ng fly-over ay nawalan ng kontrol ang harapan na bahagi ng motorsiklo at direkta nitong binangga ang lamppost sa kalsada, dahilan para bumagsak sa sementadong kalsada ang magtiyahin.

Kaagad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero alas.3:49 ng madaling araw nang ideklarang patay si Ellain dahil sa matinding pinsala sa ulo. (Carl Angelo)


Tags:

You May Also Like

Most Read