ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District- District Special Operation Unit (MPD-DSOU), ang isang 41-anyos na babaeng nagpapanggap umano bilang isang aktibong empleyado ng isang kumpanyang nag-aayos ng mga business permit, sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa isang restaurant sa Binondo,Maynila.
Nahaharap ngayon sa kasong Art . 315 Estafa (Swindling) through False Pretense of Fraudulent Representation of the Revised Penal Code of the Philippines sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si Grace Inigo, ng Binangonan, Rizal.
Ang suspek ay inaresto,alas-4:40 ng hapon sa Popsy Restaurant matapos na iabot ang P4,300 marked money mula sa biktimang si Heukokerna Gaw,29 ,,Store Specialist at taha 1166 Solex 1 Bldg., Soler St , Brgy. 292, Binondo, Maynila .
Sa reklamo ng biktima,nagpakilala umano ang suspek na empleyado ng Documents and Permit PH Company na nagsasaayos ng mga business permit.
Nalaman na umabot na umano sa P85,681.90,ang nakuhang pera ng suspek sa biktima para umano sa mabilis na pagsasaayos ng kanyang business permit.
Nagduda ang biktima na niloloko lamang siya ng suspek dahil ilang beses nang kumukuha sa kanya ng pera ang biktima pero hindi pa nito naisasaayos ang kanyang business permit kaya’t humingi na ito ng tulong sa pulsya na nagong dahilan upang maaresto ang suspek.