Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team(MPD-SMaRT) ang isa sa dalawa pang babaeng mandurukot na kabilang sa sindikato ng mga babaeng kawatan na umi-area sa Quiapo hanggang sa Lawton,Arroceros sa Maynila,kahapon ng umaga.
Kinilala ni PMajor Edward Samonte,hepe ng SMaRT, ang suspek na sina Belinda Dela Rosa, 49 , at residente ng 1061 Liberan St., Bambang, Tondo; at Maricris Dabucol na nakatakas sa mga rumespondeng awtoridad.
Alas 10:45 ng umaga nang maaresto ang suspek matapos na makahingi ng tulong ang kanilang biniktima na si Marilou Bantayog,46,admin analyst, at taga 143 Juan Luna St., Tondo malapit sa Unibersidad de Manila.
Ayon kay Samonte ang dalawang susoek ay kabilang sa sindikato ng mga babaeng mandurukot kung saan tatlo sa kanila ay una nang naaresto.
“Puro sila babae,may kasama silang lalaki pero bakla,tingin ko may humahawak sa kanila ,kasi di pa natatapos ang papel may magpipiyansa na sa kanya,”ayon kay Samonte.
Nabawi ng mga pulis sa suapek ang Oppo na cellphone pero hindi na narekober ang pitaka ng biktima na may laman na P5,000 cash na hinalang nasa nakatakas na suspek.
Sinampahan ng kaaong theft sa Manila Proaecutors ang suspek. (Philip Reyes)














