Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 10 ang isang babaeng Kagawad sa Maynila dahil sa reklamong paglabag sa Sec. 168 & 170 ng R.A. 8293 o “Intellectual Property Code of the Philippines” .
Nasa kustodiya ng MPD-PS 10 ang suspek na si Winefreda Aguilar y Baniega 67, kagawad at residente ng 1467 Int. 32, Gomez Street, Brgy. 823, Paco Maynila.
Si Aguilar ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Calamba Presiding Judge Maria Florencia Formes-Baculo ng Branch 34 na may petsang Setyembre 12,2022.
Alas-11:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa kanyang tinutuluyang bahay.
Inirekomenda ng korte ang P10, 000 piyansa para sa kanyang pansamamtalang kalayaan.














