BABAENG ESTUDYANTE, BUGBOG-SARADO SA EX

By: Baby Cuevas

ISANG 19- anyos na lalaki ang arestado matapos diumano nitong gawing ‘punching bag” ang ulo ng kanyang dating kinakasama kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila matapos itong tumanggi na makisamang muli sa kanya.

Kalaboso sa Manila Police District -Police Station 1 ang suspek na kinilalang si Yuji Akira Nods, ng No. 311 Innocencio St., Brgy. 95, Tondo, Maynila.


Ayon sa reklamo ng biktimang si Venizia, 18-anyos estudyante at taga- Tondo rin, nasa tapat siya ng kanilang bahay nang dumating ang suspek at pinipilit siya na muling makisama sa kanya.

Nagkasagutan ang dating mag-live in at dahil sa galit ng suspek ay pinagsusuntok umano niya sa ulo ang biktima, kaya nagreklamo ito sa Barangay Hall at sa tulong na rin nila PSSg Russel Ortega at Pat George Simon Simeon ay naaresto ang suspek.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9262 (Physical Abuse and Violation of Barangay Protection Order) sa sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District Police Station 1

You May Also Like

Most Read