Habambuhay na naka-ban sa Philippine Airlines (PAL) ang pasaherong senior citizen na babaeng Chinese national matapos manigarilyo sa loob ng eroplano.
Napag-alaman sa ulat na sinita ni PAL purser Ma. Antonette Juan ang pasaherong si Zhong Yongqin 64, na kasama ang kanyang apo lulan ng PAL flight PR-210 mula Melbourne, Australia sa business class at connecting flight patungong Hong Kong.
Dahil sa ginawa ng pasahero, pagdating nito sa NAIA terminal 1 pasado 1:30 ng hapon ay hindi na siya pinayagang sumakay para sa kanyang connecting flight patungo sa kanyang huling destinasyon sa Hong Kong.
Para makarating siya sa kanyang destinasyon, kailangan niyang bumili ng panibagong ticket sa ibang airlines matapos siyang i-ban ng PAL ‘for life’ sa domestic at international flights nito.
Palaisipan pa ngayon sa PAL kung bakit nakalusot sa pinanggalingan nitong bansa ang lighter na dala ng pasahero ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng eroplano.
Ayon naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, “Presidential Act Nos. 9497 CAAP Law and 8749 Clean Air Act prohibit smoking which includes vaping or the use of electronic cigarettes on board all flights and even at the airport, except in places specifically designated as smoking areas.”