Isang babaeng call center agent ang arestado nang hindi ito magbayad ng multa kaugnay sa paglabag sa kasong paglabag sa City/Municipal Ordinance No. 730, S-2019 kilala bilang smoking in public places.
Inaresto kahapon ng umaga sa Mandaluyong City si Mary Glae Anne Cantillep, 37 ng 514 Saloysoy St., Morning Side Terraces, Barangay 602, Sta. Mesa, Maynila.
Suya ay inaresto ng mga tauhan ng Manila Police Station 8 sa kanyang tirahan dakong alas -9:25 ng umaga matapos magpalabas ng arrest warrant si Mandaluyong Presiding Judge Maria Monette Mesa, ng MTC Branch 98 dahil nabigo si Cantillep na bayaran ang P2, 000 multa sa ginawa niyang paglabag sa ordinansa.
Pinagbabayad ng hukuman si Cantillep ng P3, 000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa Municipal Ordinance no.730 ng Mandaluyong City, ang multa sa unamg paglabag ay P2,000; P3, 000 sa ikalawang paglabag at P4, 000 sa ikatlong paglabag.














