Latest News

Babaeng 8 taong wanted, arestado

By: Jerry S. Tan

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang babae na nasa listahan ng Most Wanted Person (MWP) at may 8 taon nang nagtatago sa batas,kamakalawa ng gabi sa 198 A. Mabini Street, Maypajo, Caloocan City.

Ayon kay PMajor Edward Samonte, hepe ng SMaRT alas 11:30ng Gabi ng maaresto ang suspek na si Veronica Joy Reyes 40 ar residente ng 814 Cabesas Street, Tondo, Maynila.

Ang pag-aresto kay Reyes ay sa bisa ng arrest warrant inisyu Manila RTC Branch 21, Presiding Judge Alma Crispina B. Collado Lacorte, na may petsang Agosto 11,2015 para sa dalawang kaso ng paglabag sa Sec. 3602 in rel. to Sec. 2503 and Sec. 2530 par (f), (i), and 1 (3), (4), and (5) Tariff Custom Code of the Philippines as amended, at Sec. 3601 in rel. to Sec. 2503 and Sec. 2530 par. (f), (i), and 1 (3), (4), and (5) of the TCCP as amended.


Inirekomenda ng hukom Ang Tig P120,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nag-ugat ang pag-aresto kay Reyes matapos ang impormasyon ibinigay ng confidential asset ng pulisya at matapos na makumpirma ang kinaroronan mg suspek ay ikinasa ang operasyon.

Sa impormasyon nakuha, ang kaso laban kay Reyes ay isinampa ng Bureau of Custom(BOC) matapos na mahuli na miadeclared ang item na inangkat nito at tinangkang ipasok sa daungan ng Maynila.


Tags: Manila Police District- Special Mayor's Reaction Team (MPD-SMaRT)

You May Also Like

Most Read