Sugatan ang isang 28- anyos na babae matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa naga-away na gang kamakalawa ng gabi sa Mel Lopez Blvd. sa R-10, Brgy. 105, Tondo, Maynila.
Naaresto ng pulisya ang dalawa sa mga nag-riot na gang na sina Eddie Coronel,25 at Ace Silvester, kapwa miyembro ng ‘True Brown Style’ gang, alas- 10:30 ng gabi matapos ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ni PLtCol. John Guiagui, OIC ng Manila Police District intelligence division.
Sinampahan ng kasong frustrated murder sa Manila Prosecutor’s Office ang dalawang suspek.














