BABAE, SUGATAN NANG MAKALADKAD NG NAKA-MOTOR NA SNATCHER

By: Baby Cuevas

Sugatan ang isang 24-anyos na baaeng Human Resource employee matapos makaladkad nang hablutin ng dalawang holdaper na riding-in-tandem ang kanyang shoulder bag, kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Remedios at Singalong Streets sa, Malate, Maynila.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktimang si Micah Angelica Perez at residente ng Unit 105, Heirs Bldg. 1131 Quirino Avenue cor. A. Linao, Malate, nang hindi kaagad nahatak ng mga suspek na sina Jerome Ponce,28,miyembro ng sputnik gang at taga 2426 Lakandula St., Brgy. 66 Zone 8, Pasay City;at Dexter Bisuela, 26 at taga 164 Dolores St., Pasay City ang shoulder bag ng biktima.


Sa imbestigasyon ng Manila Police District -Station 5,naglalakad umano ang biktima sa nabanggit na lugar alas- 8:20 ng gabi nang dikitan siya ng mga suspek na noon ay nakasakay sa motorsiklong Honda Click.

Tinutukan umano ng mga suspel ng baril ang biktima at nagdeklara ng holdap bago kaagad na hinablot ang kanyang shoulder bag.

Gayunman, naiwan ang strap ng bag sa balikat ng biktima kaya nakaladkad ito nang pinaharurot ng mga suspek ang motorsiklo.


Nagsasagawa naman ng pagpapatrulya ang mga tauhan ng MPD-PS 5 nang makita ang komosyon kaya mabilis na rumesponde at naaresto ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang isang replikang baril ,patalim at ang motorsiklong ginamit sa pangho-holdap.


Sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 294 Robbery (Hold-up), Art. 266 Slight Physical Injuries, BP. 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapon) at R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek sa Manila Prosecutors’ Office.


Tags: Manila Police District - Station 5

You May Also Like