Nalasog ang katawan ng isang babae na umano ay bumulusok kahapon ng umaga mula sa Ika -14 na palapag ng Victoria de Manila Tower 2 Condominium na matatagpuan sa Taft Avenue Corner Malvar St., Malate, Maynila.
Sa inisyal na ulat ng Manila Police District -Station 5, naganap ang insidente alas- 9:15 ng umaga nang bumagsak ang biktima sa harap ng parking entrance ng condominium. Humiwalay sa katawan ang kanang braso nito at nahubad pa ang suot na blusa bunga ng impact.
Ayon sa security guard na si Garwin Wood,nakita niyang bumulusok ang biktima mula sa itaas ng condominium.
Sinabi ni PLt.Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-homicide section, na iniimbestigahan pa kung nagpakamatay o sadyang inihulog ang biktima sa nabanggit na condominium.














