Arestado sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Bohol District Office ang isang babae na nangangalaga ng mga endangered animal species nang walang kaukulang permit o legal na dokumento.
Kinilala ng NBI ang suspek na si Rosalie Deguiño ,na diumano ay nagme-maintain ng nasabing endangered animal species nang walang kaukulang dokumento sa Bohol Enchanted Zoological and Botanical Garden na matatagpuan sa Poblacion, Bilar, Bohol.
Ang pagsalakay ay ginawa ng NBI noong Marso 3,2022 sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa Section 27 ng Republic Act No. 9147, kilala bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Sa pag-ikot ng NBI sa paligid, nakita nila ang iba’-ibang wildlife species sa lugar.
Inilipat namam sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga nakumpiskang wildlife species para sa tamang pangangalaga.
Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 27 RA 9147 sa Office of the Provincial Prosecutor saTagbilaran City, Bohol. (Carl Angelo)