Babae, nabitag ng NBI sa investment scam

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI ) ang isang babae sangkot sa investment scam sa usinagawang entrapment operation, kamakailan sa Kawit,Cavite.

Kinilala ni NBI Director Eric Distor ,ang biktimang si Mary Ann Tee Hernandez.


Ang pag aresto kay Tee ay nag-ugat sa reklamo ng isang mag-asawa na biniktima ng suspek sa pamamagitan nang pagpapa-invest sa kanyang mga hindi totoong negosyo.

Sa imbestigasyon mg NBI ,nalaman na noong 2019 ,nagoadala ng mensahe ang suspek sa mga biktima sa pamamagitan ng messenger at nag aalok ng bihirang oprtunidad.

Nagpadala pa umano ng personal na mensahe ang suspek para patunayan na lehitimo ang kanyang negosyo at siya ay may-ari ng Frontier Freight Forwarders (Frontier), na matatagpuan sa Pasay City at may 6 na taon na ang operasyon.



Inalok niya ang mga biktima nh 2% interes sa pera na kanilang i-invest.

Kinagat naman ng complainant ang alok at pumayag na ibibigay ang pera sa iba’t ibang pagkakataon.


Umabot na sa P16,282,631.00,ang investment sa suspek hanggang nitong Abril 2022 kung saan aabot ito sa Php17,837,418.00. pati interes.

Hanggang naging iregular na ang pagbabayad ng suspek at di na natupad ang pangako na ibabalik ang kanilang investment.



Nagsagawa umano ng beeipikasyon ang mga bikyima at nang makumpirma na walang nehosyo na Frontier Freight Forwarders ay humingi na sila nh tulong sa NBI.

Nitong Hunyo 9 nagkaroon ang mga biktima nang pagkakataon na makita ang suspek matapos silang kontakin at patuloy na hinihikayat na mag invest pa sa kanyang negosyo kaya ikinasa ang entrapment laban sa suspek sa Kawit,Cavite at doon na ito naaresto nang abutin ang marked money.

Sinampahan ng kasong estafa sa ilalim ng Art. 315 of the Revised Penal Code in relation to RA 10175 kilala bilang “The Cybercrime Prevention Act of 2012” sa Imus Prosecutors Office ang suspek. (Anthony Quindoy)



Tags: National Bureau of Investigation(NBI)

You May Also Like