Latest News

Babae, arestado sa cybercrime

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 6 ang Isang 27- anyos na babaeng ‘wanted’ sa kasong paglabag sa Section 4 (C)(4), of R.A. 10175 (CYBERCRIME PREVENTION ACT 2012) at grave coercion,kahapon ng madaling araw sa Sta.Ana,Maynila.

Nasa kustodiya ng nabanggit na istasyon ng pulisya ang suspek na si Ma. Cricelmaine Aragon, ng 3415 San Roque Street, Sta. Ana, Maynila.

Inaresto ng mga pulis ang suspek alas- 12:30 ng madaling araw sa kahabaan ng San Roque Street, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Lily Ann Marcos Padaen ng Family Court Branch. 13, ng Quezon City na may petsang Enero 23,2023.

Inirekomenda ng korte ang P200,000 piyansa sa kasong cybercrime, habang P36,000 naman ang Inirekomenda na piyansa sa kasong grave coercion.

Tags:

You May Also Like

Most Read