KINUMPIRMA ng World Health Organization(WHO) na ang BA.2 variant ng Omicron coronavirus ay hindi mabagsik kumpara sa orihinal.
Ayon kay Maria Van Kerkhove, senior official ng WHO, base sa sample na nakuha mula sa iba’t ibang bansa ay wala namang pinagkaiba ang BS1 kumpara sa BA2.
“So this is a similar level of severity as it relates to risk of hospitalisation. And this is really important, because in many countries they’ve had a substantial amount of circulation, both of BA.1 and BA.2,” ayon sa opisyal.
Ayon kay Van Kerkhove, na nanguna sa technical side ng WHO Covid-19 response team, iniulat niya ang naging findings ng committee of experts na nagta-track sa evolution of virus.
Sa inisyal na data ng WHO, lumalabas na ang BA.2 variant ay mas nakakahawa kumpara sa BA.1.
Base sa ulat ng WHO, ang global circulation ng lahat ng uri ng variant ay napaulat na bumababa.
Ayon pa sa WHO, may 5.8 milyon tao ang nasawi dahil sa coronavirus worldwide at kung pagbabasehan ang tutuong bilang, maaring dawalang beses o tatlong beses pa na mas mataas.