HINDI pa umano nakakapasok sa Pilipinas ang sublineage ng Omicron variant na B.A.2.2 na na detect na sa Hongkong.
Nilinaw ni Health Spokesman UsecMaria Risario Vergeire na ang nade-detect pa lamang sa isinagawang whole genome sequencing sa bansa ay ang BA.1 at BA.2 mutation ng Omicron variant.
“Base sa ating genome sequencing, ang nakikita pa lang sa sequencing results sa Pilipinas ay BA.1 and BA.2. This sublinegae of BA.2.2 na sinsasabing nakikita sa mga tumataas na kaso tulad sa Hong Kong ay hindi pa nadedetect dito sa atin,”ayon kay Vergeire sa isang media forum.
Gayundin,sinabi ni Vergeire na wala pa rin nadi-detect na “Deltacron” sa Pilipinas at hindi naman ito ikinukunsidera bilang variant of concern.
Samantala, sinabi ni Vergeire na ang lahat ng lugar sa bansa ay ikinukunsidera na “low risk” na sa COVID-19.
Kaugnay nito, ayon naman sa ulat ng Thai
Medical Sciences Department, may na detect silang apat na kaso ng BA.2.2 strain ng COVID-19 Omicron sub-variant sa Thailand.
Gayunman,pinayuhan nila ang publiko na huwag mag-panic dahil ang BA.2.2 ay hindi pa itinuturing na variant of concern.
Hindi pa umano sapat ang impormasyon para matukoy kung gaano kabagsik ang naturang strain.