Latest News

Ayuda mas kailangan ngayong tumaas ang inflation rate

MAS kailangan umano ng mahihirap na pamilya ng tulong ng gobyerno ngayong tumaas ang inflation rate o ang bilis ng pagmahal ng mga bilihin.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, bagaman pasok pa sa target range ng gobyerno ang inflation rate nangangahulugan na mas maraming pamilya ang mahihirapan na mabili ang kanilang mga pangangailangan.

Ipinamamadali ni Salceda ang pagpapalabas ng mga ipinangakong cash subsidy ng gobyerno lalo na ang mga inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


“In any case, the House is ready to provide the necessary appropriations cover, or the necessary policy support. Whatever they need to get this done faster,” sabi ni Salceda.

Bagaman inaasahan umano ang pagbabago ng inflation rate sa mga susunod na buwan, ipinunto ni Salceda na mananatili pa ring mataas ang presyo para sa maraming Pilipino.


Maaari umano na ang susunod na pagtaas ay mangyari sa presyo ng trigo o arina na apektado rin ng krisis sa Ukraine.

Kailangan umanong tiyakin ng gobyerno na mayroong sapat na suplay ng arina sa bansa at magbigay ang gobyerno ng mga maaaring ipalit dito.


“The next administration will inherit this situation, I have no doubt. So, food prices should always be part of the national conversation this election season,” sabi pa ni Salceda.

Tags: Albay Rep. Joey Salceda

You May Also Like

Most Read