AWOL NA PULIS, LIDER NG HOLDUP GROUP, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 1 ang isang dating pulis-Quezon City at diumano’y lider ng Jasareno hold-up group at isa pang miyembro nito, sa isinagawang operasyon kamakailan sa Que Grande Street, Brgy. Ugong Valenzuela City.

Ang mga suspek na si Joel Tumala Jasareno,42, dating pulis sa Quezon City Police District (QCPD) at taga- 117 Ampioco Street, Balut, Tondo, Maynila at lider ng Jasareno at miyembro nitong si Jhaymar Malate Gidayawan, ng 2294 Younger St., Balut, Tondo, Maynila, ay naaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni QC Presiding Judge Madonna Concordia Echiverri ng Branch 81.

Napag-alaman na dating pulis-Maynila si Jasareno pero nalipat ito sa QCPD kung saan siya nakasuhan at nag- AWOL o absent without leave.


Ayon Kay PCapt Jayson M.Viola ng MPD, bukod sa kasong attempted murder na isinampa kay Gidayawan ay nahaharap naman sa kasong malversation of public property si Jasareno.

Diumano, ang mga suspek ay sangkot sa naganap na robbery holdup noong alas- 12 ng madaling araw nitong Nobyembre 18,2024 sa may harap ng Cold Storage Facility na.matatagpuan sa H.Lopez Boulevard sa Tondo.

Tinutukan umano ng mga suspek ang biktimang si Cleto Patal na noon ay nagmamaneho ng Isuzu Travis na may plakang DAS 2133 at puwersahang kinuha ang cellphone nito. Habang tumatakas ay pinaputukan pa ng mga suspek ang direksiyon ng biktima, dahilan para tamaan ang kanyang sasakyan.


Tags: Manila Police District Police Station 1

You May Also Like

Most Read