AWAY SA DYOWANG LESBIAN, NATAPOS SA PAGBIGTI

By: Baby Cuevas

BUNGA ng depresyon sa laging pag-aaway nila ng kanyang kinakasamang lesbian, nagbigti diumano ang isang 35-anyos na babae nitong Martes ng madaling araw sa Tondo,Maynila.

Wala nang buhay nang madiskubre ng kanyang ina at kapatid ang biktimang si Maila Rusola, 35, ng No. 766 Arquerros. St., Tondo, na nagbigti sa loob ng kanyang kuwarto alas- 4:30 ng madaling araw.

Bago nadiskubre ang bangkay, narinig ang biktima na nagbabasag ng bote sa kanyang kuwarto at nagsasalita ng “gusto ko nang mamatay.”


Ayon sa ina ng biktima na si Estrellita, malimit umanong naga- away sa video call ukol sa pera ang biktima at ang kanyang lesbian partner na Overseas Filipino Worker (OFW) na kababalik lang sa bansa noong Pebrero 14, 2025.

Dinala sa funeral home ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya.

Tags: Maila Rusola

You May Also Like

Most Read