AWAY NG DALAWANG SENIOR; ISA BINARETA PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

NAUWI sa malagim na pangyayari ang masayang inuman ng mga senior citizens ng biglang magwala ang isa rito na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa bayan ng Dasol sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ulat ng Dasol Municipal Police Station , namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 62-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng kanyang kainuman na 76-anyos na lalaki.


Ayon sa mga otoridad, ang dalawa ay kapwa residente ng Dasol, Pangasinan at nangyari ang insidente bandang 9:30 kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima kasama ang dalawa pang lalaki ay nag-iinuman nang bigla nitong damputin ang isang bareta at inumpisahang basagin ang jalousie ng bintana ng bahay ng suspek.

Mabilis na kumilos ang suspek bagamat may edad na ay nagwa niyang agawin ang digging bar nahawak ng biktima at pagkatapos nito ay sinaksak niya ng isang beses sa bandang rib cage ang biktima.


Nagawa pang itakbo sa Dasol Community Hospital ang biktima subalit deneklarang nalagutan din ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas, ayon sa attending physician.

Hawak ngayon ng Dasol PNP ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.


Tags: Dasol Municipal Police Station

You May Also Like