Hindi pa nakakapasok sa bansa ang avian influenza.
Ayon sa Department of Health (DOH) wala pang naitatalang kaso sa Pilipinas kahit isang tao na infected ng avian Influenza.
Ito ang tiniyak ni Dr. Alethea De Guzman, director ng DOH epidemiology bureau matapos na ma-detect sa ibang bansa ang sakit.
Sinabi ni De Guzman na ang bansa ay kasalukuyang nasa Stage 2 ng ” 4-tier preparedness and response plan” , na nangangahulugan na ang bird flu ay na detect sa ” domestic fowls”.
“Wala pa tayong ni isang confirmed human avian influenza case and we want to be able to retain that status,” ani De Guzman.
Ang Avian influenza ay isang viral disease na nakaapekto sa wild at domestic birds.
Ito ay may taglay na.mabagsik na strains na kung tawagin ay ‘highly pathogenic avian influenza (HPAI)’ at kabilang sa H5N1 virus.
Sinabi ng DOH na ang strain ay mapanganib sa mga poultry at posibleng nakamamatay kapag dumapo sa tao.
Nabatid na.maari itong makuha kapag nagkaroon ng close.contact sa mga may sakit na ibon at kontaminadong bagay.
Sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO),lumalabas na mayroon nang 868 human cases ng avian influenza A(H5N1) na naiulat sa 21 bansa.
Sa nabanggit na bilang, 455 pasyente ang iniulat na nasawi. (Jaymel Manuel)