‘Automation,’ planong gamitin sa barangay elections

Balak ng Commission on Election(Comelec) na gumamit ng “experimental pilot automation” sa ilang piling lugar sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

“We will study if we can at least pilot test in certain areas/ precincts the automation of the Barangay and SK election,”ayon kay Comelec Chairman George Garcia.


Ito ay matapos na maghain si Cavite Cong. Elpidio Bargaza , Jr. sa Kongreso ng resolusyon para aralin ang posibilidad na gamitin ang Automated Election System (AES) sa BSKE.

Ayon kay Garcia , ang panukala ay isang “innovative idea” para mas maging epektibo ang pagbibilang sa darating na halalan.

Gayunman,malabo umano ang “full automation” dahil sa nasa kalagitnaan na sila ng pag-iimprementa ng mga balota para sa orihinal na plano na “manual elections”.


Nabatid na maaaring magamit ang ilan sa 97,000 na “vote counting machines (VCMs)” na nasa bodega ng Comelec sa BSKE at kailangan lang na i-modify muna ang mga ito. (Anthony Quindoy)

 


Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like