BIBISITA sa bansa si Australian Defense Minister Richard Marles para higit pang maisulong ang matibay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Layun din ni Defense Minister Marles sa saksihan ang nagaganap na joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Ang isinasagawang joint military drills ay nakatutok sa usaping seguridad sa rehiyon sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Nasa mahigit 2000 defense personnel ng dalawang bansa ang makikilahok sa amphibious landing at air assault drills kung saan magsasagawa ang 2 Australian navy vessels, HMAS Canberra at HMAS ANZAC ng bilateral exercises kasama ang Philippines Navy.
Nabatid pa na may 150 kinatawan ng U.S Marines ang makikilahok sa puwersa ng Australian para sa gaganaping war exercises
Taon taon na na isinasagawa ng Australia ang defense exercises sa Southeast Asia, subalit ito naman ang kauna-unahang amphibious exercise, at live fire exercises at troop movement ng ground at air forces mula sa barko at baybayin
Kamakilan ay muling pinatatag ng Pilipinas at Australia ang kanilang commitment sa isa’t isa sa pamamagitan ng bilateral and multilateral defense cooperation ng bisitahin si Secretary of National Defense (SND) Gilberto C. Teodoro, Jr. ni H.E. Hae Kyong Yu PSM, Australian Ambassador to the Philippines.
Bilang suporta sa kautusan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagpihit ng DND at Armed Forces of the Philippine sa external defense mula sa internal defense.
Binigyang pagkilala naman ni Secretary Teodoro ang ‘mature’ defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa ibat-ibang bilateral and multilateral platforms.
Ikinagalak naman ni Secretary Teodoro ang pagtatatag ng Philippine leg of the Indo-Pacific Endeavor (IPE), ang Australia’s flagship hinggil sa regional engagement activity at inaugural Defense Minister’s Meeting (DMM).
“Both sides took stock of bilateral activities that reaffirm the deep friendship between the Philippines and Australia, and both countries’ shared objectives in promoting regional peace and security,” pahayag pa ng kagawaran .
Nagpasalamat naman si Ambassador Yu sa ginawang tulong ng Pilipinas na mahanap ang wreckage ng SS Montevideo Maru, isang World War II vessel na lumubog sa bahagi ng northwest of Luzon noong 1942, na ikinamatay ng napakaraming Australian prisoners of war (POWs).














