Si Atty. Topacio habang kikunuwestiyon ang MMDA at pagkapanalo ni Vice Ganda laban kay Piolo Pascual.

Atty. Topacio kinuwestiyon ang MMDA at pagkapanalo ni Vice Ganda laban kay Piolo Pascual

By: Jerry S. Tan

Kinuwestiyon ng sikat na abogado at film producer na si Ferdinand Topacio ang pagsasailalim ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pamamahala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kasabay ng pagkuwestiyon din sa pagkakahirang sa komedyanteng si Vice Ganda bilang best actor at pagkakatalo sa aktor na si Piolo Pascual.

Sa isang press conference, sinabi ni Topacio na dapat ilipat ang paghawak ng MMFF sa mga tunay na may alam ukol sa movie industry gaya ng National Historical Commission on Culture and the Arts at Film Development Council of the Philippines,


Ani Topacio, okay naman ang naging acting ni Vice Ganda sa kanyang fillm entry na “Call Me Mother” is okay, “pero over Piolo? No way, no way, no effing way.” Idinagdag niya na na-‘ignore’ umano ang pelikula ni Pascual na ‘Manila’s Finest.’

Binigyang-diin ni Topacio na ang MMFF ay walang nagiging kontribusyon para sa ‘film excellence.’

“Lately, the problem is that the MMFF had been placed in the hands of people who know nothing about making movies. In fact, it is even legally questionable— check their charter, wala sa functions ng MMDA ang pagpapatakbo ng film festival,” puna pa nito.


Dapat umanong magkaroon ng mga reporma na mag-uumpisa sa paglalagay sa MMFF sa kamay ng mga kinatawan na nakakaintindi sa industriya ng pelikula.

“Dapat, ‘yung nakakaalam talaga. Under the MMDA, there is the LGU (local government unit) whose emphasis is gross income due to its share, thus the emphasis is gross over greatness, resulting in mediocrity prevailing during festivals,” aniya.




Dagdag pa ni Topacio: “This is supposed to be a festival. There are films for every taste —me malalim, me mababaw pero pag festival, utang na loob naman, give us the best.”

Binanggit nito ang malalaking film festival gaya ng Sundance, Cannes, Toronto at Venice kung saan mga de kalidad ang inilalabas na pelikula.


Tags: Atty. Ferdinand Topacio

You May Also Like