MAY bago nang tagapagsalita ang House of Representatives.
Ito ay si Atty. Princess Abante, spokesperson at Manila Public Information Officer ni Mayor Honey Lacuna at anak ni Congressman Benny Abante (Manila, 6th district).
Si Atty. Abante ang kauna-unahang hahawak ng nasabing posisyon sa loob ng nakalipas na mga taon.
Nakapagtapos ng journalism at Faculty ng Civil Law sa University of Santo Tomas (UST), nagsilbi din siya bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission mula 2005 hanggang 2009 bago naging bahagi ng Ponce Enrile Reyes & Manalastas Law Firm bilang litigation lawyer.
Si Atty. Abante ay naging Regional Chairperson din ng National Movement of Young Legislators – National Capital Region mula 2019-2022 at kasalukuyang Chief of Staff ng kanyang ama na si Manila Rep. Benny Abante, kung saan ito ay Minority Leader, Deputy Speaker and currently Deputy Majority Leader.
Bilang Manila 6th district Councilor mula 2013 hanggang 2022, siya ay naging chairman ng Committee on Education, at iba pa.
Siya ay principal author ng mga ordinansang nagkakaloob ng allowances sa public school senior high school students sa Maynila, gayundin sa mga mag-aaral ng Universidad de Manila at ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.














