BALIK-PULITIKA si Star For All Seasons Vilma Santos.
Pero hindi lang siya kundi kasama pa ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto.
Nag-decide na rin kasing pasukin ng magkapatid ang politics tulad ng kanilang mga magulang.
Kaya naman umani ng batikos ang kapatid, pero to the rescue ang kanila ina.
Respetadong veteran actress ng industriya si Ate Vi at isa siya sa showbiz personalities na pumasok sa politics na maganda ang naging record bilang public servant.
Ilang taon din siyang nagserbisyo sa Batangas — una bilang mayor ng Lipa then naging governor ng Batangas.
Nang matapos ang termino bilang gov ng Batangas ay naging congresswoman naman siya ng lone district ng Lipa.
Last national elections ay namahinga sandali si Ate Vi at binalikan ang pag-aartista.
But this year, muli siyang sasabak sa politics at kamakailan lang ay nag-file na siya ng kanyang certificate of candidacy for the 2025 midterm election along with her two sons. Si Luis ang runningmate niya bilang vice governor habang si Ryan ay kakandidatong sa representative.
Kahit maraming Batanguenos ang sumusuporta sa mag-ina ay may mga negatibong reactions naman ang iba. Lalo na sa magkapatid na Luis at Ryan na kinukwestiyon ang “credibility and ability” ng mga ito to be in public service.
Giit ni Ate Vi, ang kanilang pamilya ay hindi lang family na basta lang pumasok sa politika ay okey na.
“At saka kami, nag-o-offer ng serbisyo — ang tao naman ang boboto kung pagkakatiwalaan kami o hindi. Ang importante, nu’ng mahilingan akong tumakbo uli at gusto nila uling maging governor ako, inisip ko rin kung saan ako lalagay,” pahayag ni Ate Vi.
Sinabi rin niyang hindi tatakbo ang husband na si Ralph Recto dahil bilang Finance chief ay hindi raw nito iiwan ang national government.
Dating congressman si Ralph nang italaga siya ni PBBM bilang Finance secretary, kaya ang tawag ni Ate Vi sa asawa ay CongSec.
Sa batikos ukol sa pagkandidato ng dalawang anak, depensa ni Ate Vi: “So, ang akin lang, bakit ang dalawa kong anak? Kasi, na-expose na ‘yung dalawa kong anak sa tao. Noong secretary na si Ralph, hindi siya nakaka-attend ng mga affair sa barangay, like educational distribution, financial assistance, mga TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced Workers).”
Dagdag pa niya, na-expose na sila sa political scene and how public service works at sa palagay niya, ready na ang kanyang mga anak dahil lumaki sila witnessing public service.
At bilang runningmate si Luis, depensa ni Ate Vi na kailangan daw niya ng tulong ng anak dahil siya raw ang makaka-assist sa kanya when it comes to technology that can be needed in serving the people of Batangas.














