Asset ng pulis, pinatahimik

Patay ang isang 26-anyos na lalaki na umano’y asset ng pulis nang pagbabarilin ng hinihintay niyang lalaki,kamakalawa ng hapon sa may Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Joel Graciano,tricycle.driver at walang permanenteng tirahan dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Habang tumakas naman bitbit ang ginamit na baril ng suspek na nakilalang si alyas “Blondie”.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Arvy Macarasig,ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente sa bahay ng saksi na si Melvin Galang taga 418 Block 15A Baseco Community,alas.4 ng hapon.

Nabatid na alas 3 ng hapon nang dumating ang biktima sa bahay at sinabi kay Galang na may hihintayin siya at maya-maya ay dumating na ang suspek.


Ilang minuto ang nakalipas narinig na ni Galang na sumisigaw ang suspek ng ” tang ina ka Joel ,asset ka ng pulis at maya-maya pa ay nakarinig na ng sunod sunod na putok ng baril dahilan para magkubli si Galang.

Nang makitang umalis na si Blondie pinuntahan nito ang biktima at nakitang duguan at wala nang buhay.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like