Latest News

Artes: Pagbigat ng daloy ng trapiko dahil sa holidays, ramdam na sa Kamaynilaan

By: Baby Cuevas

Kinumpirma kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na ramdam na sa Kamaynilaan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga lansangan, bunsod na rin holiday season.

Ayon kay Artes, partikular na nararamdaman ang pagbibigat ng daloy ng trapiko tuwing hapon.

Aniya, pagsapit ng afternoon rush hour o mula 5 p.m.hanggang 9 p.m., ay tumataas ng 15% ang volume ng mga sasakyan, partikular na sa EDSA.


Kaugnay nito, nanawagan rin ang MMDA Chairman sa publiko na planuhing mabuti ang kanilang pagbiyahe lalo na ngayong Biyernes, kung kailan inaasahan na umano nila ang pagdagsa ng mga kababayan natin na uuwi ng mga lalawigan.

Sinabi pa ni Artes na nakatakda silang mag-inspeksyon sa ilang terminal sa mga darating na araw upang matiyak na ang mga mananakay ay kumbinyente sa kanilang biyahe.

Nais rin umano nilang masiguro na hindi naka-droga ang mga drivers para na rin sa kaligtasan nila at ng kanilang mga pasahero.

Kinausap na rin aniya nila ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at hiniling na pahabain ang operating hours ng mga rail lines at bus carousel upang magkaroon ng alternatibong masasakyan ang mga mall workers, gayundin ang mga shoppers, na mamimili sa extended mall hours.


Tags:

You May Also Like

Most Read