Latest News

ARSON, INIIMBESTIGAHAN ANG SANHI NG SUNOG SA BASECO KUNG SAAN ISA ANG NASAWI

By: Baby Cuevas

Nasawi ang isang 18-anyos na lalaki habang may 85 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang isang sunog kahapon ng tanghali sa Block 1 Dubai Baseco, Port Area, Maynila.

Kinilala ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang si Karim Montes Natividad, 18, residente sa nabanggit na lugar.


Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog alas- 11:26 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang ‘fire-out’ alas-12:56 ng hapon.

Napag-alaman kay Barangay Chairman Diana Espinosa na na-trap umano sa loob ng kanilang bahay ang nasawing biktima.

Samantala, dinala naman ang mga biktima ng sunog sa Delpan Evacuation Center para kalingain ng Manila Social Welfare Department (MSWD).


Patuloy na iniimbistigahan ng arson division ang sanhi ng sunog bagamat lumilitaw sa paunang imbestigasyon na posibleng dahil ito sa sinasaing na iniwanan. Wala pa ding itinatayang halaga ng napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read