Latest News

Arrest Warrants, inilabas sa 6 na suspek sa nawawalang sabungero

Nagpalabas na ng arrest warrant ang Manila Regional Trial Court laban sa anim na diumano’y sangkot sa pagkawala.ng 6 na sabungero noong Enero 22, 2022.

Nabatid na kinumpirma ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos na irekomenda ng Department of Jistice(DOJ) Prosectuion panel.

Kabilang sa nahaharap sa pag-aresto sina Julie A. Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo E. Zabala, Virgilio P. Bayog, Johnry R. Consolacion, at Roberto G. Matillano.


Unang sinampahan ng six counts of kidnapping at serious illegal detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code ang mga suspek dahil sa pagkawala nila John Claude Inonog, James E. Baccay, Marlon E. Baccay, Rondel F. Cristorum, Mark Joseph L. Velasco, at Rowel G. Gomez.

Ayon sa DOJ, napatunayan na may sapat na ebidensiya laban sa mga suspek.


Ang kaso laban sa mga akusado ay pormal na isasampa sa Manila RTC. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Regional Trial Court

You May Also Like

Most Read