Latest News

ARREST WARRANT VS PULIS NA NANG-ARARO NG MGA NAGRA-RALLY, INILABAS NG KORTE

By: Baby Cuevas

NAGLABAS ng arrest order and Manila Metropolitan Regional Trial Court, Branch 7 laban sa isang pulis-Maynila na nanagasa ng van sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta sa may US Embassy noong taong 2016.

Ayon sa court order na ipinost sa social media ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), nag-isyu umano ng arrest warrant ang korte laban kay Police Staff Sergeant at dating Police Officer 3 Franklin Kho para sa kanyang kasong three counts ng ‘attempted homicide’.

Nag-rekomenda umano ang korte ng tig-P36,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang itinakda naman ang arraignment at pre-trial ng kaso sa Setyembre 2, 2024.

Sa video na ipinost ng Associated Press, isang police utility vehicle ang pinaandar papunta sa mga ralyista dahilan para tamaan ang mga napru-protesta.

Umabot umano sa may 50 ralyista ang nasugatan sa nabanggit na insidente na naganap noong Oktubre 19, 2016.

Dumepensa naman si Kho na nagsabing “self-preservation” ang dahilan kung bakit niya inararo ng van ang mga ralyista.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read