Latest News

ARMY RETIRED GENERAL KINASUHAN NI ACORDA

By: Victor Baldemor Ruiz

TINOTOO ni Philippine National police chief Police General Benjamin Acorda na walang kapatawaran ang pagpapakalat ng malisyosong isyu hinggil sa banta ng destabilisasyon laban sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan ay kinaladkad ang pangalan niya at ni Armed Forces chief of Staff General Romeo Brawner.

Ito ay ng pormal na maghain ng kaso sa Quezon City Prosecutors Office si Gen Acorda Jr., laban sa dating heneral na ngayon ay vlogger bunsod ng mapanirang post sa social media ng vlogger nakinilalang si Johnny Lacsamana Macanas.


Kinumpirma ni AFP Spokesman Col Medel Aguilar na isang Retired Army officer si Macanas na sinampahan ni Acorda ng kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code as amended by R.A. 10591 in Relation to Section 6 of the Cybercrime Law .

Si Macanas na dating spokesman Army’s 4th Infantry Division nan aka base sa Cagayan de Oro City at nging pinuno din ng the AFP Reserve Command ng Philippine Army ay may-ari ng YouTube page na “The Generals Opinion” at nag-post na kinakausap na raw nina Acorda at Brawner si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para bumaba pwesto.

Ang pagsasampa ng kaso ni Acorda ay isang patunay na kailangang respetuhin ang karapatan ng bawat isa ang opisya;


Hindi Gen Acorda Jr. na ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa pagdawit sa kanyang pangalan sa pina-uugong na ‘destabilization plot’ laban kay PBBM sa likod ng paulit ulit na mariing pagtanggi ng PNP at AFP na may banta ng destabilisasyon laban sa Marcos, Jr. Administration.


Tags: Philippine National Police chief Police General Benjamin Acorda

You May Also Like