ARMY GENERAL SINIBAK DAHIL SA YVONNE CHUA PLAZA KILLING

INUTOS kahapon ni Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr., ang pagsibak sa puwesto sa isang Army General na idinadawit sa Yvonette Chua Plaza killing sa Davao City.

“The Philippine Army will not condone any criminal act committed by its personnel. As such, BGen. Jesus Durante has been relieved as Commander of the 1001st Brigade, after being named as a person of interest in the murder of Yvonnette Chua Plaza, ani Ltgen Brawner.


Ayon kay Brawner, layon nito na bigyang-daan ang patas at malalim na imbestigasyon sa kaso.

“The Army ensures the public that this incident is not service related,” pahayag pa ng pinuno ng Hukbong Katihan.

Kamakailan ay nagsilbi pang guest of honor at speaker si 1001st Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Jesus P. Durante III, sa pagtatapos ng 164 sundalo na sumailalim sa Scout Ranger Course (SRC) sa Camp Pablo Tecson sa San Miguel, Bulacan.


Una nang itinanggi ni Durante na may kinalaman siya sa naganap na pagpatay kay businesswoman at model Yvonne Chua Plaza sa Davao City.

Sa mga panayam ay mariing itinanggi ng kasalukuyang pinuno ng Army’s 1001st Brigade na nakabase sa Davao de Oro na may kaugnayan siya sa pagpatay sa 38-anyos na model-businesswoman ,


“I, myself, am asking for justice for Yvonne,” pahayag pa ng heneral.

Nabatid na nakaladkad lamang ang pangalan ng opisyal dahil sa isang Facebook post na inuugnay siya sa modelo.


Si Plaza ay binaril ng riding-in-tandem suspects sa harap ng inuupahan nitong bahay sa Green Meadows subdivision sa Barangay Tugbok, Davao City nuong December 30, 2022. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Philippine Army

You May Also Like