Nagsagawa ng “Saludo sa Serbisyo Caravan” ang Philippine Army (PA) at Ayala Corporation sa pangunguna ni DSWD Secretary at Saludo sa Serbisyo Program Director Gen. Emmanuel T. Bautista (ret.) sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Metro Manila.
Ayon kay Sec. Bautista, layunin ng “Saludo sa Serbisyo Caravan” na ilapit sa mga tauhan ng Philippine Army ang mga serbisyong magpapagaan sa kanilang pamumuhay tulad ng housing programs, housing and auto loans, discounted vehicles, at medical consultations.
Kaugnay nito ay ipinaabot ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., ang kanyang pasasalamat sa pagpapahalaga ng Ayala Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Jose Zobel de Ayala at iba pang stakeholders na nagpakita ng kanilang suporta sa mga tauhan ng Hukbong Katihan
Optimismo si Lt. Gen Brawner na ang inilunsad na aktibidad ng Ayala Corporation at “Saludo Sa Serbisyo Caravan” ay magpapalakas sa moral at magsusulong sa kapakanan ng mga tauhan na nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan. (VICTOR BALDEMOR)