Latest News

ARMADONG LALAKING MAY HINAHABOL NA KAAWAY, PATAY SA NAGRESPONDONG PULIS

By: Baby Cuevas

Patay sa nagrespondng pulis ang isang armadong lalaki na humahabol umano sa isang kaaway, sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi lamang.

Di na naisalba sa pagamutan ang nabaril na si Jonathan Marcial, 33, ng General Trias, Cavite dahil sa mga tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Samantala ay isinasailalim naman na sa imbestigasyon ang pulis na si PCPL Jonenick Gueta, 33, nakatalaga sa Police Station 12 ng Manila Police District (MPD).

Ayon sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa 2nd Floor Hallway ng Building 25, ng Permanent Housing sa Tondo.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang insidente ay armado ng isang baril ang suspek at hinahabol ang isang alyas ‘Jody’ sa naturang lugar. Nakarating umano sa kaalaman ng pulis, na residente ng lugar ang pangyayari kaya’t kaagad itong rumesponde.

Nang makita nitong armado ang suspek, kaagad umanong nagpakilala si Gueta bilang pulis, ngunit sa halip na sumuko ay itinutok pa umano nito ang baril sa kanya.

Diumano, nakaramdam ng panganib sa kanyang buhay ang nagrespondeng pulis kung kaya’t napilitan itong barilin ang suspek upang depensahan ang kanyang sarili.

Tags:

You May Also Like

Most Read