Latest News

ARESTADO SA DROGA, MAY KASONG FRUSTRATED HOMICIDE

By: Baby Cuevas

ISANG lalaki na suspek sa kasong frustrated homicide ang naaresto habang umano’y nakikipag-transaksiyon sa ilegal na droga sa Tondo, Maynila nitong Miyerkules.

Kalaboso ang suspek na si alyas ‘Jarson,’ 32, at residente ng Calamansi Street sa Tondo.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) -Raxabago Police Station 1 (PS-1), dakong alas-10:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Duhat Street sa Tondo.


Bago niyan, nagsasagawa umano ang mga awtoridad ng operasyon sa kanilang area of responsibility nang mamataan ang suspek habang ipinapakita sa kausap na lalaki ang ilang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakaramdam umano ng mga suspek ang presensya ng mga pulis kaya’t mabilis na nagpulasan ang mga ito.


Agad na humabol ang mga pulis ngunit nagbunot ang suspek ng baril at tinangkang magpaputok sa direksiyon ng mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at kalaunan ay naaresto ang suspek habang nakatakas naman ang kanyang ka-transaksiyon.


Nabawi mula sa suspek ang isang .9mm Pietro Berreta na kargado ng 13 bala at 13 piraso ng heat- sealed transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng tatlong gramo at may standard prive value na P20,400.

Bukod sa kasong frustrated homicide ay mahaharap na rin ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o illegal possession of firearms.

Tags: Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station 1 (PS-1)

You May Also Like

Most Read